Sample Topics for High School Debate (Tagalog Version)


Global warming :

1.Ano ang sanhi ng Global Warming at paano masusulusyonan?

-Ang hindi normal na pagbabago sa panahon at ang sanhi ng pagtaas ng temperatura ay ang pagtaas ng greenhouse gas concentration kayaga ng carbon dioxide (CO2) methane at ozone. Ang greenhouse gas ay sanhi ng greenhouse effect na resulta sa pagsunog ng mga fossil fuels.

Ang pagtaas ng temperatura ay nagdadala ng maraming pagbabago kagaya ng pagtaas ng levelo ng karagatan. Ito rin ang sanhi ng pagbaha, pagguho ng lupa at pagbagyo. Ang iba pang epekto ng global warming ay ang pagbaba ng mga produktong agrikultura,ang pagkatunaw ng glaciers at ang pagdami ng mga sakit kayaga ng malarya.

Ang maipapayo ko na gawin ng bawat tao para unti unting masolusyunan ang global warming ay ang pagtapon ng basura sa tamang tapunan at hindi  sa mga ilog o dagat upang makaiwas sa pagbaha at pagtaas ng thermal na enerhiya sa dagat. Makatutulong rin ito upang iwasan ang pagkalason ng mga isda na sanhi ng basura. Makabubuti rin na magtanim pa tayo ng maraming punong kahoy upang maiwasan ang pagbaha. Ang mga halaman rin ay makabubuting pangiwas sa pagdami ng Carbon Dioxide sa hangin dahil ang carbon dioxide ay kinakain ng mga dahon upang makapagpalabas ito ng oxygen na kailangan ng mga tao. Ito ang tinatawag na photosynthesis. 


Extrajudicial Killing - epekto ng war on drugs:

2. 
Ang extra judicial killing ay paglabag sa sistema ng batas at sa karapatang pantao. Ito ay ang walang awang pagpatay sa mga tao na hindi naaayon sa batas. 

Sa isyu ng druga sa panahon ngayun maraming tao ang namamatay; mga tao na may kinalaman sa iligal na druga at kahit yong mga tao na inosenti o walang kinalaman kagaya ng mga bata na aksidenteng natataman ng ligaw na bala.

Ang pagpatay ng hindi naayun sa batas ay tanda rin ng hindi maayos na pamamahala. Mahirap solusyonan ang extrajudicial killing dahil ito'y nagsimula pa noong martial law sa panahon nga rihime ni presidente marcos subalit maaring isang mabuting solusyon nito ay ang mahigpit na pagsasabatas ng mga may kaugnayan sa karapatang pantao upang maiwasan ang sari-saring pagpatayan sa lipunan.

Hazing:

3. 
Ang hazing ay isang gawain ng ilang fraternity para sa mga bagong miyembro ng grupo. Ito ay ipinagbabawal ng batas na nilalaman ng Republic Act No. 8049 na nagpaparusa sa mga tao na sangkot sa hazing.
Kadalasan sa hazing, pinapalo ng paddle ang biktima sa hita at puwit. Minsan ay may pukpok pa sa likuran. Kapag nasobrahan ang pang-aabuso sa biktima, puwede ito humantong sa pagkamatay. 
Hindi naman masama ang pagsali sa faternity o brotherhood subalit kailangang tandaan na may mga batas na dapat sundin upang walang masaktan o mamatay.

Legalization of Marijuana:
4.
Ang pagtanim at paggamitng cannabis o mas kilala bilang marijuana ay ipinagbabawal sa Pilipinas.

Ang batas na nagbabawal sa pagtanim at paggamit ng marijuana ay ang Republic Act 9165. Subalit mayroong house bill na ginawa ang house bill 180 kung saan ang paggamit ng marijuana o cannabis ay 
magiging legal upang magamit ng mga tao sa medikal na aspeto. Ang house bill na ito ay hindi pa naisasabatas at hanggang ngayon ang marijuana ay tinuturing paring iligal sa ating bansa.

Sa ibang bansa ang marijuana ay tinuring ng legal at maaring gamitin ng walang parusa kagaya ng bansang Colombia at Canada.

Federalism

5.

Ang federalismo ay isang systema o uri ng governo kung saan ang mga estado o probinsya ay may kapangyarian kagaya ng nasyunal na pamahalaan. Isang halimbawa nito ay ang bansang Amerika.

Ang systema ng gobyerno na sinusunod ng ating bansang Pilipinas ay unilateralismo na naaayon sa constitusyon. Ang systemang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan na nakacentro sa nasyonal na pamahalaan.

















Comments

Popular posts from this blog

Law on House Rent in the Philippines as per HUDCC

Public Beach in Bohol (2019) : Mocaboc Island Sandbar